Thursday, November 16, 2006

Dessert



Panghimagas


Tiningnan ni Cathy ang sarili sa salamin. Bente nuebe lang siya pero pakiramdam nya kasingtanda siya ng ng bahay na ito na minana pa ng kanyang asawa sa kanyang mga magulang.


Diploma, mga plaka, saradong bintana, wall clock, piyano, malambot na sofa.. siya. Pakiramdam niya katulad siya nga mga rosas sa flower vase, ng mga laso at puntas sa kurtina, isa siyang magandang dekorasyon sa loob bahay na ‘to, isang dekorasyong pag-aari ng kanyang asawa sa maraming taon, ilang taon na nga ba. Wala na siyang ginawa sa bahay na ‘to kundi isaayos, lagyan ng dekorasyon, punuin ng ibat-ibang koleksyon at ilipat-lipat ang mga larawat kagamitan. Nasasaulo niya kung anong meron ang bahay na ‘to; ang larawan nilang mag-asawa noong ikasal sila ang unang bagay na tinatamaan ng sikat ng araw, alam nya ang pinangagalingan ng hangin sa pamamagitan ng mga tunog ng windchimes, ang kulay ng kurtinang dapat ikabit buwan-buwan, ang bulaklak na dapat ilagay sa flower vase at altar, ang panghimagas na dapat isabay tuwing kainan. Marami siyang alam sa bahay na ito, na pakiramdam nya kayraming taon nang hindi nagbago.

Tiningnan nya ang larawan noong ikinasal siya, ang maamong mukha ng birheng Mariya, wala siyang makitang ganda sa mga ito. Tiningnan nya ang malaking orasan para itong tulo ng gripong kaybagal tumakbo. Ang bawat galaw nitoy kasinggbigat ng kanyang nararamdaman, hindi nya maintindihan gayong tapos na nyang nalinis ang banyo, kapapalit lang nya ng kurtina, ng punda, ng kumot, ng bulaklak, nahihirapan siyang huminga na parang ipinagdaramot ang hangin sa loob ng bahay. Binuksan nya ang durungawan at dumaluhong ang liwanag, umihip ang hanging kanina pa nya hinahanap. Nilanghap niya ang daloy nito na parang ngayon lang siya nakatikim ng hangin. Matagal yun matagal bago nya binuksan ang kanyang mga mata, tapos nu’y nakita nya ang isang magandang tanawin; kinukulayan ng araw ang langit, malaya nitong isinasabog ang kulay dalandan nitong silahis sa mga ulap, humahalo ang kulay nito sa mga damo, sa puno, sa mga paru-parong naglalaro, para itong isang pintor na kinukulayan ang mundo.

Napakaraming magagandang tanawin sa labas na wala sa loob ng bahay; ang mga batang nagpapalipad ng saranggola, ang kawayang nakikisayaw sa hangin, ang pagaspas at lawiswis ng mga dahon at sanga. Tiningnan nya ang isang puno ng mangga kung saan may isang may isang ibong nakatingin sa kanya. Nais nyang marinig ang boses ng ibon at kung paano ito humuhuni pero tahimik lang ang ibon nag-iisa, matamlay, siguroy may hinanahanap din siya katulad nya nang bigla siyang ginulo ng isang ungol mula sa kanilang bakuran, si Sofi, boses nya iyun. Nagmamadaling nanaog si Cathy sa hagdanan, tinuntun nya ang pinagmulan ng ungol, ano ang nangyayari kay Sofi bakit siya umuungol? Hinanap nya ito at tumambad sa kanya ang isang tanawin.

Si Sofi, kinukubabawan siya ng isang di kilalang aso, kinukubabawan at kinakadyot sa likuran. Kinakadyot siya ng mabilis, napakabilis, walang tigil itong ginagawa kay Sofi kayat umuungol siya. Hindi niya alam ang kanyang magiging reaksyon pero gusto nya ang kanyang nakikita, gusto nyang makita ang mukha ni Sofi, at kung ano nararamdaman nito . Kinagat-kagat ni Cathy ang daliri sa pag-uusisa at matamang pinagmamasdan ang ginagawa ng dalawa; paulit-ulit, mabilis, paulit-ulit. Naisip nya natural lamang sa mga asong gawin ang ganito, tinutugunan nila ang likas na pandama ng kanilang katawan, hindi nila iniisip kung kailan o saan ito gagawin dahil hindi naman sila kasali sa lipunang may pananagutang moral at etikal, hindi naman nila ito kailangan upang mapanatili ang kanilang uri. Nasa ganung pag-iisip si Cathy nang biglang may bumato kina Sofi, nagulat siya at nakaramdam ng biglaang pangamba. Tumakbo ang dalawa, gustong hugutin ng isang aso ang kanyang sarili mula kay Sofi pero nahihirapan sila. Umiiyak si Sofi gayundin ang isang aso ngunit binato pa ulit ng lalaki ang dalawa, tumakbo si Sofi papalapit kay Cathy, kakawag-kawag ang buntot nito habang dinidilaan ang kanyang balahibo.



“Tiger!” sumigaw yung lalaki at natakot si Cathy sa boses na iyun, biglaan siyang dumating sa harap at ginulo ang kanyang tinitingnan. Ganun nya nakita ang lalaking ito, biglaang dumaluhong mula kung saan, humakbang siya paatras.
“Aso ko kasi yan Misis” nagbago ang tono ng kaharap, hinupo-hipo ni Cathy ang ulo ni Sofi at inaangat ang isang kilay sa pagtatanong.
“Sino ka, anong ginagawa mo rito?”Magalang siyang sinagot ng kaharap.
“Ako yung kinontrata ni Sir Manuel na papakyaw sa manggahan nyo sa likuran Misis. Tinitingnan ko kung kailan kami puwedeng mamitas.” Mula sa pagkabigla pumanatag ang kanyang pakiramdam dahil sa narinig.
“Paalis na sana ako…”
“Ano pang ginagawa mo rito ?” putol ni Cathy
“ Nawawala kasi si Tiger, hinahanap ko.”
“Sa susunod bantayan mo yang aso mo, nakakadisturbo.” Tinitigan ni Cathy ang kaharap, inaasahan nyang hihingi ito ng pasensya pero tinitigan lang siya nito, may kung anong hinahanap sa mukha nya, para siyang sinusuri na kung ano. Bumaba ang tingin nito sa kanyang leeg at ngumiti lang ang kanyang kaharap. Naalala nya wala siyang panloob nang bumaba kanina sa hagdanan, isang manipis na blusa lang ang suot nya nang hinarap nya ang lalaking ito. Napahiya siya pero pinilit nyang hindi magpahalata.
“Sige ho Misis delos Reyes mauna na ako, ako nga pala si Rodel, Rodel Barcelona, sige ho” ngumiti siya at tumalikod hila ang kanyang aso.

Nagmamadaling pumanhik si Cathy sa loob ng bahay. Nakakainis ang lalaking iyun, naiinis siya dahil nadisturbo ang kanyang panunuod sa paglubog ng araw, ginulat siya nito at pinaiyak si Sofi, naiinis siya dahil hindi man lang siya tinanong sa kanyang pangalan. Gusto niyang sabihing “Catherine ang pangalan ko at sana naman sa susunod bago kayo pumanhik sa bakurang ito magpaalam naman kayo kahit wala rito ang asawa ko.” Sapat na sa kanyang tawagin siyang Misis delos Reyes., pakiramdam niya ang pangalang Misis delos Reyes ay isang kulyar na nakatali sa kanyang leeg katulad ng kay Sofi, isang kulyar na nagsasabing pag-aari siya ni Emmanuel delos Reyes at tulad ng isang aso hindi na mahalagang magpaalam pa. Pumunta siya ng kusina kailangan na niyang maghanda ng hapunan.


Tubig, juice, kanin, ang paborito nya adobo; naghanda rin siya ng relyinong bangus, may sopas siyempre panghimagas. Ano pa ba ang kulang, hindi malaman ni Aveth kung ano pa ang idagdag sa mesang iyun. May gusto siyang sabihin sa asawa, matagal na nya itong gustong sabihin, naghahanap lang siya ng magandang pagkakataon. Narinig nyang may kausap ang asawa sa telepono.
“Kumusta na” si Manuel. “Napansin ko ang pagbabago nya.’ parang matamlay ang boses ng asawa, siguro may problema sa opisina. Ganyan naman siya hanggang sa bahay dinadala ang trabaho.
“Matagal ko tong pinag-isipan. Ito ang gusto nya at hindi ko kayang ibigay yun.”
Malalim mag-isip si Manuel, matalino siya, alam nya ang pasikut-sikot sa opisina, alam nya kung anong meron siya o wala, alam nya kung paano paiikutin ang mga bagay para makuha ang kanyang gusto, iniisip mo pa lang alam na nya.
“Pero sa bandang huli gusto ko ako pa rin ang masusunod.” May pagkanegosyante ang asawa, nagbibigay ng kaunti pero kumukuha ng malaki, nakikipaglaro pero tinitiyak ang panalo, natutunan nya ito sa opisina, siya ang may-ari at tagapangasiwa ng isang lokal na publikasyon ng bayan.
“Papaniwalain natin sya, magaling ka naman” Isang mahusay na manunulat din si Manuel, magaling siyang gumawa ng mga kuwento, namana nya ito sa kanyang ama, lagi siyang nagsusulat sa bahay, tuwing oras ng agahan, tanghalian, hapunan. Kinailangan nyang magsulat bilang kanyang panghimagas, marahil higit pa bilang kanyang hanapbuhay.
“Tapusin mo na ngayong lingo, asahan ko iyan.” Bilang may-ari at tagapangasiwa maraming tagasunod ang asawa pero hindi nya alam kung may mga kaibigan ito. Mahinahong tao si Manuel, kaswal at kalmado kung magsalita ngunit palaging siya ang nasusunod. Duon natatakot ang mga tauhan nya sa kanya., malalim siya kung mag-isip bihira kung magsalita duon siya natatakot sa asawa.
“Manuel nakahanda na ang mesa.” Ibinaba nya ang telepono at sumunod na ito. Habang kumakain ay sinusulyapan nya ang asawa, walang imik, parang malalim na naman ang iniisip.
“May papakyaw na pala sa manggahan natin sa likuran?”
“ Si Barcelona, bakit?”
“Wala lang, hindi kasi sya yung dating pumapakyaw sa manggahan natin. pumunta siya rito noong nakaraang lingg, kaibigan mo ba siya?”Tinitigan siya ni Manuel, may kung anong hinahananp sa mukha, parang may sinusuri na kung ano.
“ Hind, distributor siya ng prutas sa bayan, mas maganda ang presyong inaalok nya kaysa doon sa dati.”
Itinuloy ni Cathy ang pagkain, ayaw nyang sabihin sa asawang pagkatapos nang una silang pagkikita ay binibisita siya ni Rodel sa bahay, nakikipagkaibigan, humihingi ng pasensya sa ginawa ni Tiger. Ayaw niyang sabihing gusto nya ang mga bagay bagay na nalalaman tungkol sa kanya, na si Rodel ay binata pa, siguro limang taong mas bata kay Manuel. Sa edad na trentay uno ayaw pa nyang magpatali dahil hinahanap nya ang kanyang soulmate, matangkad, may pangangatawan. Kailan daw sila mamimitas? laging nakangiti, mahilig magpatawa, magalang naman pala, maginoo “Catherine kailan daw sila mamimitas? si Manuel.





“Ha!? Eh baka bukas.” Nanaginip ba siya? Kailangan niya itong iwaksi sa isipan may gusto siyang sabihin kay Manuel.

“ Catherine, baka hatinggabi na ako makauwi bukas, pupunta muna ako sa resort natin may aasikasuhin lang, ikaw na munang bahala rito.” Sinubukan nyang magsalita “Meron sana akong sasabihin.”------ “ Ah si Barcelona nga pala, tatawagan ko siya mamaya, pansamantala ikaw munang bahala sa kanya.” Tumunog ang telepono marahang tumayo ng mesa si Manuel at sinagot ito, narinig nya ang pangalang Paolo, trabaho na naman ang pinag-uusapan kahit hindi pa ito kumain matapos lang ang trabaho. Tumayo na siya hindi man lang nya natikman ang inihanda nyang panghimagas. Dalawa lang sila sa bahay na ito pero andami nyang kahati sa asawa; ang opisina, ang resort, ang publikasyon, ang telepono, ang kanyang pagsusulat. Nang pinakasalan siya ni Manuel akala niya magiging katuwang at kabiyak siya nito sa kanyang buhay pero magkaiba sila ng pananaw. Hindi siya kailangan ni Manuel, hindi niya kinailangan ang isang asawa o kabiyak, kailangan siya nito bilang dekorasyon, wala silang anak, sampung taon na mula nang ikasal sila, marahil may deperensya si Manuel. Marahil nga kinailangan siya nito bilang dekorasyon upang punan ang kanyang pagkukulang. Pinigilan nyang humalo ang luha sa pagkaing kanyang inihanda, pakiramdam nya napakaliit ng mundo nya, pakiramdam nya ipinagdaramot ang hangin sa loob ng bahay na ito.


Binuksan nya ang bintana, gusto nyang umihip ang hangin sa loob at pumasok ang liwanag, gusto nyang makita ang pagbaba ng araw pero mamaya pa yun. Siguro ngayo’y nagsisimula na silang mamitas sa likuran. Bumaba si Cathy ng hagdanan, pumunta siya sa may kusina, may maliit na bintana roon kung saan puwede nyang makita ang ginagawa nila ni Rodel. Nakita nya ang mga tauhan nitong ibinababa ang isang kaing ng mangga, hinanap nya ang kinaroroonan ng lalaki, nakita nyang kumakain ito ng mangga. Bagay na bagay sa kanya a ng asul nyang polo, ang kupas nyang pantalon, ang manipis nyang bigote, ang lalaking ito ay larawan ng taong puno ng buhay. Naaliw siyang tingnan ang binata, gusto nyang makita kung paano kumakain ang isang binatang naghahanap sa kanyang soul mate. Isinubo ni Rodel ang buto ng mangga, kinagat ang laman, kinagat nya ito ng kinagat, paulit-ulit nya itong ginagawa, subo kagat, subo kagat, kay tamis siguro ng manggang iyun, aliw na aliw siya sa kinakain. Kahit kakaunti na ang laman sa buto pilit pa rin nitong hinihila ang natitirang hibla ng buto atindi pa siya nakuntento kumuha pa siya ng isa isinubo nya ito, kinagat, sinipsip, at hinihila hila sa bibig. Kaysarap, kaytamis siguro ng mangga sa kanilang bakuran. Biglang lumingon si Rodel, nakita siyang tumitingin sa kanya, umiwas siya ng tingin kunwari may inaabot siya sa bandang itaas. Lalapit sana si Rodel pero iniwan nyang bigla ang kusina, ayaw nyang isipin ng lalaki na tinitingnan siya nito ng palihim. Umaakyat siya sa taas, doon nya hihintayin ang paglubog ng araw.

Dumungaw siya sa bintana, pinatugtog nya ang isang plaka ni Beethoven. Kanina habang tinitingnan nya si Rodel, naglalakbay ang kanyang isipan, naglalakbay ito sa likod ng asul na polo, pababa sa loob ng kupas na pantaloon, inisip nya kung ano ang maaring gawin ng manipis na bigote, ng magandang pagkaukit nyang labi at ano ang puwede nyang gawin sa likod ng asul na polo, sa loob ng kupas ng pantalon. Tumayo siya at tiningnan ang sarili sa salamin, nakita nya ang repleksyon ng katawang nagiging dekorasyon sa loob ng maraming taon. Maganda lang itong tingnan pero walang buhay, hinawakan nya ang kaliwang dibdib, napapikit si Cathy at ipinasok nya ang kamay sa loob. Hinimas nya ito hanggang sa itoy nanigas, pinisil nya ang maliit nitong utong. Kakaibang sensasyon ang kanyang nararamdaman kaya inulit nya ito, gusto nya ang kanyang ginagawa, inulit nya ito hanggang sa nagsimulang bumibilis ang kanyang paghinga. Ipinasok nya ang kaliwang kamay sa loob ng kanyang palda, dahan-dahang nag-iinit ang nanahimik nyang katawan. Gumawa ang mga daliri niya ng maliliit na bilog, ikiniskis ang mga daliri na parang isang magaling na pintor. Napaangat nya ang leeg sa sensasyong nararamdaman, ahh, nagpakawala sya ng mahinang halinghing, kaysarap ng kanyang ginagawa, kaysarap ng kanyang nararamdaman. Nang ibinuka nya ang kanyang mga mata, duon lang nya nalaman ang tensyong kanina pa namumuo sa loob ng bahay na yun na anumang oras puwede itong sumabog. Nasa likuran nya si Rodel, kanina pa nanunuod sa kanya, humakbang ito papalapit, mula sa salamin nakita ni Cathy ang apoy sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Rodel ang kanyang balikat, nakakapaso ang hawak na iyun, nakakadarang, yumuko si Rodel, inilapit ang bibig sa kanyang taynga at bumulong “dinalhan kita ng matamis na mangga.”




Naramdaman nya ang manipis nitong bigote, ang mainit nitong hininga, ang bukol sa kupas nyang pantaloon. Nagtama ang kanilang paningin sa salamin, naglakbay ang kamay ni Rodel sa pisngi ni Cathy, patungo sa kanyang mga labi, sa leeg, sa kanyang dibdib napakahusay maglakbay ng mga kamay na iyun parang may sarili itong buhay, alam na alam ang gagawin. Mula sa pagbubukas ng mga butones sa kanyang blusa, sa pagtanggal ng kanyang panloob, sa paghimas ng kanyang dibdib, ang bawat nadadaanan nitoy nabibigyan ng buhay. Naglakbay pa ang kamay na iyun sa loob ng kanyang palda, gumawa ito ng maliliit na bilog, napakahusay, napakasarap. Hinawakan nya ang kamay na iyun at ipinasok sa kanyang labi, hinalikan nya ito at sinipsip. Hinarap nya si Rodel.

Tinanggal ni Cathy ang asul na polo, ang kupas na pantalon habang nagsasanib ang kanilang mga labi. Naglalakbay ang mga labi ni Rodel mula sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib patungo sa tiyan hanggang sa ibaba nito. Kung paano kinain ni Rodel ang buto ng mangga kanina ay ganun din ang ginagawa sa kanya ni Rodel ngayon, paulit-ulit na para siyang batang mauubusan, ngayo’y tinutugunan niya ang likas na pandama ng kanyang katawan, at ang sumunod nooy wala na sa kanyang isipan. Ang tanging nakikita nya ngayo’y diploma, nakasiwang na bintana, wall clock, piyano, at siya…. nasa isang malambot na sofa. Sa ganuung posisyon naiintindihan na nya ngayon ang nararamdaman ni Sofi dahil katulad nito umuuungol na rin siya, sumasabay ang kanilang mga ungol at halinghing sa musika ng plaka, sa indayog ng kanilang katawan. Humuhuni ang ibon sa labas at nakikisabay ito sa ritmo ng kanilang ginagawa, at ang hinihintay nya kaninay dumating, nagsimulang magpinta ang araw sa langit, isinasabog nito ang kulay sa kapaligiran, humahalo ang kulay na iyon sa katawan nilang dalawa habang nirarating nila ang rurok, paulit ulit, pabilis ng pabilis katulad ng malakas nilang mga ungol at halinghing hanggang sa naramdaman ni Cathy ang kakaibang likido sa loob nga kanyang sinapupunan.

-------------------------


Dumaan si Manuel sa isang malaking tindahan, bumili siya ng bagong kolyar para kay Sofi dahil luma na yung dati. Bumili rin siya nga bagong damit para sa asawa na siguro ngayo’y tapos nang trabahuin ni Rodel o ni Paolo. Tauhan at pinsang malapit nya si Rodel, inutusan nyang anakan ang asawa dahil matagal na nitong gustong magkaanak at alam nyang hindi nya kayang ibigay yun. Pagkatapos ng kanilang usapan mawawala si Rodel, mabubuntis si Cathy, kukupkupin nya ang bata, palalakihin, aakuhing parang anak. Katulad ni Sofi, hindi na aalis sa poder nya ang asawa, at patuloy itong susunod sa kanya bilang maybahay dahil sa magiging anak nila, at dahil na rin sa isang kasalanan. Napangiti si Manuel bibili siya ng isang magandang pumpon ng bulaklak para sa asawa.







8 comments:

Anonymous said...

naalala ko ang ibang pangalan ng tauhan dati...

Anonymous said...

ah oo yung tauhan ba dati, baka kasi offensive sa kanya.. meju parang underdog pa naman yung character ng babae dito, ayaw ng author na maging ganun ang magiging imahe ng dating tauhan kasi mahal ng author ang dating tauhan

Anonymous said...

alam niya yun, kaya nga mas gusto niya kung ginamit yung pangalan dati kasi mas pakiramdam niyang valuable siya bilang sangkap sa paglikha pero hindi sa konteksto ng istorya

Anonymous said...

hindi kasi nabuo nayung itorya bago pa niya nakilala yung dating tauhan. bale nilikha lang yung dating tauhan para magamit yung pangalan niya. heheheheh

Anonymous said...

pwede ka ng magsulat ng romance novel nito a..hehehe

Anonymous said...

may nakatago pa bang istorya liban dito?

Anonymous said...

ang galing ng pagkalarawan ng bawat galaw ng mga tauhan.

Ukaya Explorer Nikoy said...

magaling ba pagkakagawa? based on experience siguro.hahhaha