Thursday, November 30, 2006

LARAWAN


Hinahatak pailalim
ng mga pulang
langgam ang mga
tira-tirang pagkain

at inaangkin ng mga
daga ang mga
pinagkainan sa lababo,

nagdudumiling gumalaw
ang kamay ng orasan
katulad ng paunti-unting
pagtulo ng tubig sa gripo
kasama ng pagtakla
ng butiki sa kisame.

Kung asido lang
ang aking mga tingin
matagal nang nalusaw
ang iyong mga larawan
ngunit nilinlang
ang aking mga mata
ng nakalalasong
usok ng Marlboro
kung saan ang upos
ay humahalo ngayon
sa mga botelyang
paghinanakit ko
sa iyo.

5 comments:

Anonymous said...

maayos ang paggamit ng mga imahen subalit hindi ata consistent...medyo nawala ako sa "kasama ng pagtakla ng butiki sa kisame..tapos tumalon ka sa may..."kung asido lang ang aking mga tingin" Hindi malinaw ang koneksyon ng first part sa second part. May kaunting flaw sa paggamit ng tagalog, (ano yung nagdudumiling? haha mas magaling ka pa nga sa akin ata..hindi ko alam yun) pero yung takla, medyo colloquial ang term na yan..sa amin kasi tekla..ewan ko lang. yung last 2 lines, "paghinanakit" hindi ko masyadong malaman kung ano yung right term na dapat gamitin. It's either panakit, pero mas strong siguro kung sabihin mo kung paano nanakit ang bote, like sa mga botelyang hinahampas ko sa iyo, or binabasag ko sa iyo, or dinudurog ko sa iyo, or pinupukol...parang ganun. Content wise, maganda ang isyu na gusto mong itackle, alam mo love ka na ng feminista kong friend, mahilig ka sa mga tulang ganito eh..hahaha..next time i discuss natin ang iba ko pang comment. Mahaba na ito ok? ahh meron pa, hindi ko nagustuhan yung ibang line cutting, marami kang preparations for strong words na hindi appropriate na masaydo. :)

Anonymous said...

salamat sa posting, pangit nga talaga pag translation lang ang tula mula sa orihinal nitong lenggwahe.. cebuano kasi ang original nito, bale trinanslate ko lang.

heheh. salamat ulit

Anonymous said...

ano ka ba, si marjorie evasco ay nagsalin ng mga binalaybalay mula cebuano sa english. Hindi mo pa lang siguro na ma master din yung ganong ideya. Pwede mong aralin naman. Wlaang nagsabing panget ha :) maganda siya. Naalala ko yung unang tula ko. kaso diba litrato yung akin?

Anonymous said...

maganda yung litrato mo, promise! kasingganda rin ng kubyertos..

Ingats...

Anonymous said...

alam ko hahaha. joke hayuf