Tuesday, October 03, 2006
YELO
Sa maliit
na espasyo ng baso
pinagkasya ko
ang hungkag
na pakiramdam,
may kislap ngunit
basag-basag ko itong
isiniksik upang
makipagtalik
sa yelo ngunit
naiiwang
tumatagaktak;
malamig
nag-iisa
naghahanap
doon sa
nakadadarang na
musika
ilaw, usok
laman, hiyawan
na nagtatapos
sa upos ng sigarilyo
alak sa baldosa
suka sa kubeta.
Katulad
ng mga umiikot na ilaw,
ang aking
pagbabasakaling
mapunuan ang pusong
tuluyan nang naging
yelo sa loob
ng maliit na baso;
nalalango,
nakalilimot
at sa halip na
maging buo ay
lalo lamang
natutunaw upang
muling maghanap.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment