Thursday, March 29, 2007

Sukeban Boy



Pelikulang Hapon.

"What on Earth!!!" banyaga kong naikomento. Ito ang pelikulang magpapatunay sa kalungkutan ng mga Hapon. Tama, isa sila sa mga pinakamalungkot na tao sa mundo, nag-iiwan ito ng napakalaking espasyo sa kanilang puso na sinasakop ng ANIME.

Naitatag ang industriya ng ANIME (marahil) bilang tugon sa humihigpit na kompetensya sa pandaigdigang ekonomiya, bilang tugon sa mundo ng consumerism, bilang pagpapakita sa tinatawag nilang virtual art, ito ay isa sa mga "niche" ng Hapon. Sa kabilang banda mayroon tayong tinatawag na cultural imperialism (katulad ng apple, chocolate sa Pilipinas). Ang ANIME ay bahagi ng kulturang Hapon na sumasakop sa isipan ng maraming pinoy, bata man o matanda. Kung ganun kalakas ang impluwensya nito sa ibang bansa, ano kaya ang antas ng impluwensya nito sa sariling bansa?

Sa pelikulang Sukeban Boy (kasabay ng HONEY FLASH, HENTAI ,MANGA at marami pang iba) pinapatunayan na ang ANIME ay sumasakop sa sikolohikal na proseso ng maraming artists, film makers at tinedyer na hapon. Ang ANIME ay nagkaroon ng sariling buhay na naging paraan ng pamumuhay ng bawat tinedyer na Hapon. Sa halip na eto ay maging bahagi lamang ng isang makabuluhang teknolohiya, nagdidikta ito sa kung ano ang FAD, CRAZE, IN at wastong pamumuhay. Kung nagawi ka sa Tokyo, mauunawan mo ang ibig kong sabihin.


Ang makabagong Hapon (dahil sa kalungkutan) ay nag-iiwan ng isang espasyo, Black hole mala tipo, at ito ang kumakanlong sa ANIME

Ang SUKEBAN Boy, ay hindi ANIME, totoong tao, mga tinedyer na babae, na nag-aala ANIME 1. baril, punglo sa loob ng kanilang didi, na lumalabas tuwing nagagalit sila. 2: espesyal na weapon ng bawat batang babae katulad ng cancun dance, mabahong utot, holster kick 3. Mga Gangs na may espesyal na kapangyarihan. 4. Mga hiringgilya na may lamang gender transform formula, lumalaki boobs ng lalaki, nagkakaroon ng titi ang babae.

Ang bottom line ng bida ng SUKEBAN boy, gusto niyang makilala bilang Individual at hindi kagaya ng nakararami. Tsk.tsk. Parang si Naruto na gustong maging Hokage, o Sasuke na gustong patunayan ang Kapangyarihan sa Kapatid na si Itachi. Isa pa isa ito sa napakaraming pelikula na naglalaman ng adrogenic dream. Tsk. Tsk.


Panoorin nyo ang pelikulang ito. At masasabi nyo ring, What on Earth???

Sa Inglis, ito ay "one of the great FETISH Films"

1 comment:

Ukaya Explorer Nikoy said...

hay nakoy iroll! hentai nanaman. tsk tsk.