Wednesday, January 17, 2007

Room # 3



May mga gabing parang lumilipad
ang mga punyal sa kabilang kwarto,
nagsisitakbuhan ang kanilang mga puso
at lumalangoy ang kanilang mga mata.
May mga gabing naglalaro ang demonyo,
buang at kamatayan sa kanilang bibig,
parang nagkikimkim ng apoy
ang kanilang mga dila.
Ngunit may mga gabi ring
tinatawag nila ang langit habang
namumuta sila ng pag-ibig

samantalang ako ay dumidikit
sa dingding at nakikiamot
sa yamang meron sila.


-January 16, 2007-

No comments: