Saturday, December 09, 2006

Telepono



Limang minutong pakikipag-usap
sayo at dahan-dahang bumukas
ng mga bintanang matagal nang
nakapinid, agad kitang inilarawan
sa lumang kisameng
nakatanghod sa akin habang
nag-aabang ng mga salitang
baka mag-iiwan ng pangako,
kagaya marahil ng isang
lumang bahay na pipinturan
sa loob ng limang minuto lang,
nakapagtatakang hinahayaan ko
ngayong mawasak ang mga
pananggalang na kaytagal kong binuo


at sa huli iiwan mo rin pala akong
umiibig sa telepono.


-December 2006-

3 comments:

Anonymous said...

Nagustuhan ko ito dahil banayad ang mga imaheng ginamit mo. Saktong-sakto sa mga gusto mong sabihing padaplis pero buo sa loob mo (kaso may pagtatago at pagsisinungaling pa rin hahaha). May mga ilang nitpicks lang sa paggamit ng tagalog at pagtalon ng mga imahen katulad ng pagtumba ng mga pader sa labas ng bakuran. May kulang doon sa pagitan ng susunod na line. Ikaw na bahala mag ayos. pwede mong sabihing gumuho ang pader ng mismong bahay, or mistulang walang pader, something to that effect. Nawala ang koneksyon ng telepono sa bahay sa gitnang bahagi ng tula at muli mong ibinalik sa dulo, maari mo pang ayusin at bigyang diin siguro ang telepon bilang bahagi rin ng bahay. Pero all the rest, nagustuhan ko yung indayog ng tula..siguro dahil pamilyar ako sa pinaghugutang kasinungalingan nito bwehehehe.

Anonymous said...

Medyo naging bold ata yung pag elaborate mo ng details. mas gusto ko pa rin yung original :)

Anonymous said...

hmmm.. hayaan ko muna siyang ganyan makalipas ang ilang araw saka ko na siya babalikan.