Thursday, July 12, 2007




Kahapong lumubog ang araw.
yumukod ang mga talahib,


Parang pintor
na iginuhit nito ang natitirang
init sa ulap at dagat,
upang maalala ng mundo
ang larawang papawi sa
iyong matagal na pagkabalisa.



Dito sa ating bakuran
sa kakatwang puno nga mga
tula, maikling kwento at haka-haka
nasilayan ng mga dahon

ang iyong ngiti,
kagaya ko umaasa silang
huwag itong tuluyang matuyo
at kainin ng lupa
kasabay ng iyong pagkawala


(para kay ANA)