Tuesday, March 27, 2007

Hero


Isa, dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, patuloy pa rin akong nagbibilang

Anim na beses ko nang napanood ang pelikulang ito. Una, sa isang pirated CD, pangalawa, bring-home assignment sa isang asignatura, ang sumunod ay bahagi na ng kasaysayan at 8-in 1 series DVD ng Ilustre. Parang pag-ibig na hindi mo kayang i-let go, parang dolphin na panaka-panakang pumaibulusok sa ibabaw ng dagat upang huminga, ganyan ang Hero sa akin.. Bakit?

Ang Tunog ng Katahimikan, na sa sobrang tahimik, ibang antas ng karahasan ang naipipinta sa iyong utak, panu maging emperador? maging alipin? ano ang buhay sa huling dinastiya ng Tsina? tama kaya si Machiavelli? Paano maging hari sa gitna ng nagdidigmaang tribu? ilang henerasyong pagpapalipin bago nabuo ang great wall of China.

Ang Plot: Balikan ang kasaysayan upang maitago ang katotohanan. Dalawang version, ang version ni Nameless at ng Emperor.. Bagamat mababaw ang paglalahad ng motibo ng bawat tauhan sa pagpatay sa emperor, napagtagpi tagpi nito ang kabubuan ng kwento sa tatlong kulay- bughaw, pula, at puti.


Imahe at Cinematograpiya: Nalilibogan ako sa imahe, sa kanilang damit, sa magagandang mukha, sa set-up. (mahiya kayo hollywood)

Martial Arts: Parang Pinaghalong ballet, calligraphy, painting at poetry.. Ito ang spectrum ng pakikipaglaban.

Isa lang ang hiniling ko sa obrang eto: sana si Shu Xi (bida ng So Close, The Transporter I)ang gumanap bilang Moon at hindi si Zhang Ziyi.

1 comment:

Ukaya Explorer Nikoy said...

one of the best kung fu movies that was given a big break.

i'd choose once upon a time in china in a heart beat over crouching tiger, hidden dragon. it was very dissappointing.

house of flying daggers' story sucked but it was pure eye candy and the action sequences were awesome.

the banquet was too boring.

curse of the golden flower was another eye feast but the plot was too shallow and did not have a lot of fight scenes.