Pelikula Mula sa Europa:
Ang Opera noong 18th century ay kinikilalang isa sa mga “highest forms of art.” Diyos ang turing nila sa sinumang nilalang na kayang hagupitin ang pinakamataas na nota na sa trumpeta lamang maririnig. Marahil, higit pa ang katumbas nito kay Pacquiao sa larangan ng boxing, o kay Woods sa Golf. Inilalahad sa pelikulang ito na upang makamit ang talentong iyon kailangang putulin ang kasarian ng lalaki (lalaki lamang ang pinapayagang kumanta noong panahong iyun) bagamat ito’y isang ritwal na tanging ang mga maestro lamang ang nakakaalam. Ito ang buhay ni FARENILLI
Tuwing kasiping ni Farenilli, ang isa sa mga tagahanga niya (noong unang panahon laganap na pala ang pagsasamantala sa fans) sinasalitan siya ng kanyang kapatid na composer din pagdating ng climax(sana ako na lang kapatid mo, composer din ako), dahil nga Castrato siya at di kayang tuluyang paligayahin ang kasiping (teka uso na rin pala ang threesome noon). Ang kontradiksyon sa pelikula ay tungkol sa dalawang magkapatid; ang singer na ayaw nang makasama ang kapatid tuwing may kasiping siya, ang composer na aninong nakadikit sa tinatamasa ng kapatid.
Sa kabubuan, napakabanayad ng paglalahad ng mga detalye, parang melo-dramang kanta, angkop na angkop sa customes, at musikang ginamit. At gustong gusto ko ang pilantik ng wikang espanyol.
Monday, April 02, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment