Tuesday, February 20, 2007

TULO......

They slaughtered this in Baguio, but i cant help it i just love my first short story, it reminds my innonence/naivety (in choosing a material) and whenever i read this it never fails to brighten my day with hehehehehehehehehe.



Nanunuot sa katawan ng kisame ang malamig na buhos ng ulan at hindi mapakali ang bubong ng bahay sa pagsalo ng mga patak nito.

Mula sa mga maliliit na butas pinagmamasdan ko kung paano pinapasok ng tubig ang katawan ng kisame; unti-unti, tuloy-tuloy. Marahan nitong hinahaplos ang bawat bahagi ng kisameng gawa sa kahoy. At sa bawat bahaging dinadaanan nito ay nag-iiwan ito ng kakaibang kulay. Iniiwan nitong mamasa-masa at pinalalambot ang kahoy na sumusuporta sa bubong ng bahay. Matanda na ang bahay na ito, minana pa ito ni inang kay lolo. Halos mag-iisang taon ko nga itong hindi nadadalaw mula nang maisipan kong ituloy ang pag-aaral sa lungsod. Mabuti na lang at nand’yan ang tiyahin ko, siya ang tumitingin sa bahay. Binabantayan nya ito lalo na pag ganitong umuwi ako.

Bigla na lang naging mapusok ang buhos ng ulan. Ang unti-unti’y naging malakas hanggang sa nanunuot na rin sa aking kalamnan ang malamig na buhos nito.

"Winston bago ka matulog maglagay ka ng balde sa mga tumutulo dyan sa kwarto mo."

Pasado alas dyes na pala.
Hindi ko namalayan ang ikot ng orasan. Sampung stick na ng sigarilyo ang naubos ko, hindi ko man lang namalayan kumakalat na ang tubig sa sahig. Gusto kong kumuha ng balde at itapat sa tumutulong kisame. Gusto kong punasin ang basang ikinalat nito pero, para bang kaylayo ng pinaglalagyan ng balde mula sa kwartong kinahihigaan ko. Mas gusto kong nakahiga lang habang pinakikinggan ko ang tiktik ng mga butiki, ang kokak ng mga palaka, ang tagaktak ng mga patak ng ulan. Nakahilata ako at ayokong bumangon dahil higit sa lahat mas gusto kong hawakan ang titi ko.



Matagal-tagal ko na rin itong hindi ginagawa. Ngayon lang. Hinahaplos ko ito ng marahan, hinay-hinay, tuloy-tuloy. Binabate, binabayo ng marahan, hinay-hinay, tuloy-tuloy. Iba talaga ang sensasyong dulot ng kwartong ito sa akin. Parang katulad noong ako’y trese anyos pa lamang. Dito mismo sa kinahihigaan ko. Kunwari natutulog ako ngunit ginagawa ko ito sa loob ng kumot. Kunwari may kinutkot ako sa bulsa ng aking puruntong pero sadya ko itong binubutasan para dumeretso ang kamay ko sa loob. Naalala ko ang sabi ni inang “si Winwin habang tumatangkad nangangayayat .”

Namihasa ako sa maraming paraan. Minsay nakahiga, nakadapa sa banyo, sa pader o minsan sa katawan ng saging. At hindi ko nakakalimutang uminom ng gatas ng Liberty o sabaw ng buko.




Winwin ang tawag nila sa akin noon, patpatin, iyakin, may gatas pa sa labi.
Si Winwin yung umiyak nang magpatuli kay tatay Laryo. Si inang, naiinis ako kapag sinusundo niya ako sa eskwelahan kung umuulan, kapag kinukurot nya ako sa harap ng maraming tao. Kaya tuloy natutukso akong binabae, puti raw ang bayag ko. Nang minsang nakipagsuntukan ako, katakut-takot na nobena at dasal ang dinaanan ko kay inang.

Pero, nang gumradweyt ako ng hayskul maraming nagbago. Nang tumuntong ako ng kolehiyo, maraming nagbago. Nagtrabaho ako bilang waiter sa isang panggabing restawran. Malayo yun sa bahay namin, malayo yun sa mga mata ni inang at doon andami kong natutunan. Yung erotika ng Abante at Bandera na pinakatagu-tago ko pa sa kama, doon pambalot lang ng tsinelas. Yung mga napapanuod ko sa beta, nakikita ko ng totoo sa mismong mga kasamahan ko sa trabaho. Sinabi ko sa kanila yung sinabi sa akin ni inang na “yan baga ang dahilan kung bakit makasalanan ang tao.” Tinawanan ako, bata pa raw ako at hayaan ko na lang daw at masasanay rin ako.

Naisip ko, ganito pala sa siyudad andami ko palang hindi alam. Andami ko palang dapat matutunan. Naisip ko, oo nga naman, disi nuwebe anyos na nga pala ako. Hindi na ako yung batang kinukuhang Konstantino sa mga sagala, yung batang handang magsaulo ng mga nobena at pabasa ni inang. Tumanda na ang batang ipinaglihi sa patron ng San Roque. Naisip ko andaming nagbabago pag tumatanda ka.

Naalala ko ang sabi ng kaibigan kung si Tonton, “ P’re pag binata kana dapat matikman mo ito” habang dinidilaan nya nag hubad na katawan sa magazine. Si Tonton nga naman masyadong mapusok, kinukuha lahat ng naisin n’ya, parang walang problema sa buhay hindi nagseseryoso. Ayaw ni inang ng ganun, ayaw n’ya sa mga taong mapupusok, ayaw n’yang maging kaibigan ko si Tonton.

Kumusta na kayo ni Ester, aba’y palay na ang lumalapit sa manok, tukain mo na. Yan ang palaging sinasabi sa akin Tonton. Naalala ko ang kapitbahay kong si Ester. Mula ng malaman kung may gusto siya sa akin lagi ko na siyang naiisip lalo na kapag nasa kuwarto ako at may kinukutkot. Palagi kong tinatanong sa sarili ko, paano ko kaya siya hahalikan, ano kaya ang lasa ng lips nya, ano kaya ang kulay ng kanyang utong. Kung hahawakan ko ba siya sa dibdib magagalit kaya siya, maputi kaya ang hita nya. Si Tonton, minsan dinala niya si Ester sa bahay isang hapong wala si inang. Umuulan-ulan noon at naiwan kaming dalawa sa kuwarto. Tumutulo ang malamig na patak ng ulan sa labas, habang tumutulo rin ang pawis sa aking noo. Naalala ko yung nakita ko sa beta, pakiramdam ko bumubulong ito sa akin, “ dilaan mo yung tenga, kagat-kagatin mo yung labi, hanapin mo ang dila sa loob, namnamin mo ito at, dahan- dahang halikan mo ang kanyang leeg, pababa, pababa.” Naalala ko nagkakahiyaan kaming dalawa ni Ester. Hindi namin alam kung ano ang gagawin, kung sino ang mauuna at ano ang uunahin. Nang magtama ang gaming paningin, tiningnan ko si Ester ng mabuti, ang kanyang buhok, ang kanyang mata, ang bilog n’yang ilong, ang malalapad n’yang pisngi, ang basa n’yang lips. Ahhh, napakaganda pala ni Ester para siyang artista. Matagal kong tiningnan ang kanyang labi, parang kaylambot, kaykintab, napakapula. Parang kaysarap namnamin at kagat-kagatin, parang biko ni inang. Idinikit ko ang aking mga labi sa kanyang mukha, at naramdaman ko ang mga maiinit nyang hininga. Napakabango niya sa mga oras na iyun parang pinipig, bakit ba ngayon ko lang siya naamoy. Napakabilis ng pangyayari, hindi ko namalayan natatanggal na ang aming damit, ang aking t-shirt, ang kanyang sando, ang aking shorts, ang kanyang hapslip. Kinse anyos ako noon at naalala ko… masunurin si Ester.

Naalala ko ang sabi ni inang, “anak dapat pag-aralan mo ang nilalaman nito” habang inaabot nya sa akin ang makabagong testamento. Si inang matapos n’yang malaman ang nangyari sa amin ni Ester sinugod n’ya ito sa kanilang bahay habang pinaluluhod niya ako sa mongo sa harap ng altar. Gusto talaga ni inang na balang araw may magsabi sa akin ng “mano po father.” Mula noon iniwasan ko na si Ester at si Tonton. Pakiramdam ko nakagawa ako ng malaking kasalanan sa mga anghel at santo.

Pero kahit ang mga mukha ng anghel at santo ay nagbabago rin pala. Nagbabago rin ang kanilang mga ngiti at damit, siguroy depende yun sa tumitingin. Yung takot ko sa kanila, sa luma at makabagong testamento, nagbago ang lahat ng iyun lalo na nang mawala si inang. Naisip ko hindi hawak ng tao ang kanyang bukas, andaming nagbabago pag tumatanda ka. Saka mo malalaman ang mga iyun pag tumanda ka na. Ang nakita kong mahalaga, hindi ka nagsasara sa mga pagbabagong nagaganap at naiintindihan mo kung bakit ito nangyayari. Saka ko rin naintindihan kung bakit nag-asawa ng maaga si Ester, kung bakit ganun si inang, kung bakit ganun na lang pinandirihan si Tonton nang magkasakit siya ng tulo. Mabagal ang takbo ng buhay sa bukid. Matagal bago maintindihan ng tao at matanggap ang mga pagbbagong nagaganap. Parang lahat ng tao iisa ang pinatutunguhan, ang mag-asawa, ang maging magsasaka, ang magsilbi sa simbahan at magkaroon ng debosyon sa mga santo, pinarurusahan ang mga sumusuway , ang mga mapupusok. Mas naintindihan ko rin kung bakit kinakailangang gawin ng mga katrabaho ko sa restawran ang napapanuod ko sa beta. Mabilis kasi ang mga pangyayaring nagaganap sa lungsod. Lahat ng bagay binibili walang libre. Parang palaging umuulan, kailangan mong habulin ang bawat oras, ang bawat minuto dahil kung hindi mababasa ka.



Sabi ni inang “ si winwin habang tumatanda nagbabago ang ugali.”
Si inang talaga makaluma.
Si Tonton nga naman napakapusok.
Mabango pa rin kaya si Ester?

Ahh, magsisitapos na rin sa kolehiyo yung mga katrabaho ko sa restawran
Naalala ko kung paano unti-unting pinalalambot ng ulan ang kisame ng bahay . Gaano man ito katigas, lumalambot din pagdating ng mga araw, nagbabago ang hitsura. Dahil siguro hindi maiwasan ang pagtulo ng mga patak ng ulan, katulad din ng tao nagbabago.

Winston matulog ka na at huwag mong kalimutang maglagay ng balde sa mga tumutulo dyan sa kwarto mo.

Nakita kong umaapaw na ang tubig sa sahig, ayoko mang bumangon ngunit kailangan kong punasin ito.


-December 2000-

3 comments:

veraLeigh said...

'slaughtered' jud?
heh :)

Ukaya Explorer Nikoy said...

niagi diay kag pagka inosente?

Anonymous said...

xerex ikaw ba yan?