Thursday, August 09, 2007

LOST 2

Di na ako natuto sa pagkalasing.
Tinungga ko pa rin ang alay mong alak;
lahat-lahat,
buong-buo,

kaya ngayon akoy nakatanghod
sa kubeta ng pusong minsan
kong nilango.

LOST...

mitugdon ang alibang-bang ug iya kong
gibutahan,

nahagbong ang bituon ug iya kong
gilimbongon sa dalan,

samara nila ang imong kagwapa.

Thursday, July 12, 2007




Kahapong lumubog ang araw.
yumukod ang mga talahib,


Parang pintor
na iginuhit nito ang natitirang
init sa ulap at dagat,
upang maalala ng mundo
ang larawang papawi sa
iyong matagal na pagkabalisa.



Dito sa ating bakuran
sa kakatwang puno nga mga
tula, maikling kwento at haka-haka
nasilayan ng mga dahon

ang iyong ngiti,
kagaya ko umaasa silang
huwag itong tuluyang matuyo
at kainin ng lupa
kasabay ng iyong pagkawala


(para kay ANA)